Sunday, October 9, 2011

Kariktan

oo. hinahangad kita.
sa halimuyak ng iyong nagbabagang hininga
sa kinis ng iyong mukha at matamis na pagngiti
hindi ikinukubli ang pusong nagdaramdam
at walang alintana sa pagsunod at pagkilos ng aking pag-alab sapagkat
natahan na rin ako sa pananayang ng mga luha
wala nang iniisip kundi ikaw sa gabi
di na nagiiba ang mga paniginip
ikaw lamang ang hinahangad na makamtan habang buhay
na pagtitiis at pag-alay ng nagsisiklab na damdamin na
sa iyo rin lang naman mapupunta
sa iyo na ito

aawitan kita, isasayaw kita, mamumukod-tangi ang ating istorya
sa mundo isisiwalat at isisigaw ang ating mumunting pag-iibigan
na siya lamang mamumulaklak sa pagdaan ng tag-ulan at tag-araw
sa ating pagtanda at paglaki, sa ating pag-uunawa at paglalambingan
kislap na sa iyong mga mata,
tunay na kasiyahan ang nadarama sa tuwing
napapatingin ako sa iyo
nasisilayan ko ang aking sariling
banayad at tahimik

at kung makakaharap natin ang kalungkutan
nais kong mapasa-iyo ang mensaheng
malalagpasan din natin ito
ang lahat ng nararamdaman
ay pansamantala lamang
nariyan ang Diyos
upang tayo'y gabayan (Genesis 24)

itinataas sa Kanya lahat.

At pag tayo'y matanda na,
lilingunin natin ang ating nakaraan
kung bakit nga pala ambilis ng panahon
wala man akong ipapalit sa mga okasyon at alaala sa ating mabibilis na buhay
kumpleto na ang lahat at pwede na tayong mamatay.


naaalala ko pa ang unang beses na ika'y nasilayan ko;
sa bayan...naglalakad sa takipsilim may hawak na Coke...


No comments: