Saturday, May 10, 2008

balisong

hati akong magladlad ng aming umpisa; bagamat ang lahat ay nangyari sa isang iglap, isang tingin, isang tibok at waring hindi kailanman magiging totoo hangga't hindi kami nagkikita. dalawa lang naman yun eh: oo o hindi. sa dami- dami ng hinihindian, may isang nakakalusot. at siya yun.

tawagin mo ng 'timing.' kahit lito ang itinerary ko sa buhay, hindi na ito mawawala sa aking sistema ang paiba-iba ng lugar na itinatahak. obvious naman na may hinahanap ako at maraming naging game plans at editing ang naganap pero wala rin. walang nagtugma sa buhay ko, walang nakapagbigay ng pagkakuntento sa akin. marami nang daang dinaanan, pintong binuksan at sinaradong muli, maletang ikinaladkad at inihagis sa conveyor belt, sandamakmak na boarding pass, pero sa huli, hindi ko pa rin nararating ang aking destinasyon. buong buhay natin, naghihintay tayo ng timing. oportunidad. maglalakas loob na akong magsabi na: sana ito na nga ang para sa akin.

nakikinita ko na. ipinagdasal. nararamdaman na rin. marami ang mangyayari sa akin sa loob ng taong ito. ngayun pa man, desidido na ako sa lahat. wala na dapat ikatakot dahil kasama natin Siya. at hindi ko kailanman malilimutan ang aking mga kaibigan na nariyan sa hirap at ginhawa.

ches, tara na. :)

No comments: