Wednesday, April 16, 2008

ang pakikipagsapalaran ni kundiman nazareno


"lahat ng bagay ay magiging ok." -jibs

ang mga nagdaang linggo para sa akin ay waring inihip lamang ng hangin patungo sa ibayo. sa tuwing pilit kong inaalala ang mga usapin, desisyon, pangyayari at ikinikilos ng bawat isa'y napapangiti na laang ako sa kaloob-looban ko. iba ka talaga, Panginoon."

minsan nga lang daw Siya magbibigay ng oportunidad sa iyong mga kamay.* nariyan na sa harap mo. aanhin mo ang biyaya? pagninilay-nilayan mo lang ba? uupo sa isang tabi at nakatulala, iniisip ang nakaraan? hahayaan mo na lang ba? sasabihin mo bang, "wag na lang. pass muna."

parang kanina sa EDSA, nagpapaturo ako ng daan sa pinsan ko. naisip ko, bakit ganito ako sa buhay? laging nagpapaturo? kailan kaya ako babangon at mag-isang haharapin ang mga matitinding krisis?

unang beses kanina sinabihan ako ng nanay ko na: "ikaw na bahala anak, bente-kwatro ka na eh."

hala. laya na ba ako?



hindi naman kailangan masalimuot ang buhay. hindi na natin dapat pinahihirapan ang damdamin, pag-iisip, kaluluwa, utak. sabi nila, "ba't mo laging iniisip na mahirap?kung ganun ay mas lalu kang mahihirapan."

simple naman ang mga hangarin ko, simple din dapat ang daan patungo rito - magsanga man ito oh hindi - mapalipad man ako sa ibang lugar, makakarating pa rin ako sa parooroonan. yehey!


*may dahilan kung bakit ka dumating sa buhay ko, Ches. :D

No comments: