Friday, November 30, 2007

karen




isang taon na ang nakalilipas
magmula nang ikaw ay huling nakita
sa mundong maligalig

alala ko pa nuon,
freshmen tayo
kasunod kita sa pila sa stfap opis

ka-apilyedo mo kasi ang kaibigan ko

kapagka-gabi
nakakasalubong pa kita
sa mga mapag-iwing pasilyo ng kalai
misteryo, tahimik ka lang

kalayaan para sa'yo
ang aking hangad



*alay kay karen empeno, aktibista at miyembro ng league of filipino students na dinampot ng mga militar noong nakaraang taon.

No comments: