Monday, November 28, 2011

stolen

kawawa naman ang aking mga tuhod
nanghihina sa kada bigkas mo ng mga mapanlayang mga salita

kawawa naman ang utak ko
naging sabaw na sa kaiisip sa iyo

ngunit ang puso, nagpapakasaya !
pinangangalandakan ang banayad at wagas na pagsint´a

ng siyang nagtangkang nakawin ang puso't nagwagi.

Sunday, November 27, 2011

tic-a-toc

inaakit ako ng orasan.

ang alok niya:

intayin ko raw siya.

ang banat ko:

bilisan niya.

ang hamon niya:

be patient.

ang sagot ko:

.... .

tama nga ang orasan.
kumbaga, ang kanyang kilos at takbo sa lumilipas na panahon,
kalakip na rin sa paglipol ng mga nagdaang alaala.
katuwang niya ang paghimlay ng mga saloobing di kanais nais;
mga bahid ng kahapong kailangan nang pahingahin.

ang mumunting orasan,
umuusad patungo sa tamang direksyon ng buhay...
sa tamang pagwawaksi ng panahon na Diyos lamang
ang may say kung kailan darating ang panahong
pinakainaasam asam mong mahagkan.

Thursday, November 17, 2011

Ako'y sa Iyo at Ika'y sa Akin

Araw ko'y papanglaw
Kung di ka matatanaw
Khit saglit manlang
Ika'y masilayan

Sayo nga'y naghihintay 
Sa pag ibig mo hihimlay
Diyo's ang siyang pinagmulan
Ating pagmamahalan

Kahit pa magtatagal
Ako'y maghihintay
Kahit ulitin pang muli
Ang panahon n nagdaan

Hindi ako magpapagal
Di malulumbay
Aking tutunghayan
Ang bawat oras man
Alam ng may kapal

Puso'y wag mangangamba
pagkat wala na ngang iba
Mata ko'y nakapako na
sayo lamang aking sinta

At nais kong malaman m
Hindi ako mahihiya
Ipagsigawan sa mundo
Mahal na mahal kita.

Tuesday, November 15, 2011

"But I love your feet
only because they walked
upon the earth and upon
the wind and upon the waters,
until they found me."

-Pablo Neruda

even poets do laundry

Even poets do the laundry
Wash the dishes in the kitchen sink
Even poets are enslaved
to the schematic daily routine
Even poets do the laundry
But meanwhile they dream
Of someone else's pain
and of their own suffering.
Even poets do the laundry
From their own colorful thoughts
Picking words from the scattered pile
and assembling sentences line by line.


Tuesday, November 8, 2011

bagong buhay

nasilaw sa iyong anino
di nararapat na ika'y masilayan

at sa pagdapo ng iyong mga labi
sa aking makinis na balikat
at ang kanyang pansamantalang pagtigil roon

buntong hininga
sabay pikit -

dinala ako roon
sa lugar na pinakatagu-tago sa lahat

buong buhay kitang hinihintay
inaasam na mawari't makilatis
ibiging himayi't pupulutin ang mga butil
ng iyong sibulan ng pag-ibig

lisanin natin ang buhay ngayon
humarap sa buong pagsikat ng araw
mainit at masarap ang silat-kamay ng Diyos
tayo'y pinapatawa Niyang pilit pinasasaya.

ako'y iyong tuklasin
sa pamamagitan lamang ng isang malalim na tingin
at kahit sabaw na ang ating mga utak
pagsinta'y walang kakupas-kupas,
mahal q.