ngayon ko lang napagtanto na walang kasingsarap ang pakiramdam ng magkaroon ng kalinawan sa mga bagay-bagay na bumabagabag sa ating kalooban.
madaling araw kanina - sa di malamang pagkakasunod na mga pangyayari - ay nabuklat ko ng di sinasadya, ang mga email accounts, friendster accounts atbp. ng aking kasintahan. ito ay sa kabila ng aming pag-uusap na hindi namin ipapaalam sa isa't isa ang mga password namin sapagkat masyadong pribado ang mga ito. eh wala, nagkataong tsumamba ako sa 8-numero kombinasyon ng kanyang kaisa-isang password. para nga naman akong tumama ng lotto - o mas mabuti pang paglalarawan ang pagkakapanalo sa jueteng (waring mas angkop na deskripsyon sapagkat lahat ng bawal ay, para sa akin, masarap hehe). ngunit imbes na tuwa ang naramadaman sa bawat pag-click sa kada-website, kinain ako ng aking 'di natitinag na konsensya. unti-unti pa akong naging dismayado sa aking mga nadiskubre.
mula kanina ay sinumpa ko ang aking sarili. bakit pa kasi madali akong maakit sa mga di nalalamang bagay at lihim!
tinanong ko ang aking pinsan, mga ka-trabaho kung aaminin kong na-hack ko yung mga account niya. sabi nilang lahat ay, "no. what he won't know wont kill him."
pero wala. di ko natiis. tinanong ko si sinta kung anu-anong mga bagay na aking magagawa ang makakapagsiklab sa kanyang galit. at ang sabi niya: kung mangangaliwa ako, kung maglalasing ako, kung late ako sa trabaho.
at doon namin pinag-usapan ang nangyari. sa huli, ginawa pa niya akong tagapag-check ng kanyang email!! hmph. sige na nga... minsan ka lang naman magmahal ng tao eh, isip-isip ko. kindat***